Posted by admin on July 3rd, 2009 |
0 comments


Wala akong larawan ng anumang kandado kaya minarapat kong itampok na lang ang aking sariling interpretasyon ng “kandado”. Ito ang aming wedding cord at wedding rings…mga simbolo na ang aming pag-ibig at pagsasama ay nakandado na sa isa’t isa.
I don’t have any photos of locks that’s why I just featured my own interpretation of a “lock”. These are our wedding cord and wedding rings..symbolizing our unity and love, exclusively locked for each other.
LP . Photo Prompts . Wedding
Posted by admin on June 10th, 2009 |
5 comments

Sa dinami-dami ng problema ngayon sa mundo tungkol sa kahirapan, maduming pulitika, mga kalamidad, sakit at kung anu-ano pa, minsan pinapangarap kong mabingi ng sa gayon ay di ko na maririnig ang ano pa mang masasamang balita. O di kaya’y mapipi ang mundo at magkaroon ng katahimikan. Subalit, ang buhay ay sadyang di ginawang tahimik sapagkat ang mga kaganapan at kaingayang ito mismo ang nagbibigay kahulugan at saysay ng buhay at siyang nagpapa-ikot ng mundo. Kaya’t ang katahimikang aking minimithi ay mananatiling pangarap na lamang.
With all the problems and trial that the world faces: poverty, dirty politics, calamities, plague, etc., sometimes, I can’t help but dream to have complete silence or that I’d be able totally shut my ears off so I wouldn’t hear those unpleasant things. But then, that’s impossible because those are the things that comprise life. So my dream of silence will always remain just a dream.
LP . Photo Prompts . Snapshots
Posted by admin on June 7th, 2009 |
0 comments

Ipagpaumanhin niyo po ang aking nahuhuling lahok. Naniniwala akong ito ang misyon ng aking buhay. Ang maging magulang..ang maging isang ina. Matagal naming hinintay mag-asawa ang pagkakataon na ito kaya’t sobra-sobrang galak na lang namin nang dumating sa buhay namin si Asher. Bagama’t mahirap, likas sa isang ina na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa ikabubuti ng kanyang anak. Isinakrapisyo ko ang aking trabaho para personal kong maalagaan, mabantayan at masinsinang ma-breastfeed si Asher. Hanggang ngayon na siya ay 15 months old na, naniniwala akong ito ang pinakamainam na maibabahagi ko sa aking anak para maramdaman niya kung gano siya kahalaga sa akin. At kakayanin kong ipagpatuloy hangga’t kaya ko at gusto ni Asher.
Breastfeeding is a gift that lasts a lifetime.
~Author Unknown
My apologies for my late entry. I believe that this is my mission..to be a parent..to be a Mom. My husband and I fervently waited for a long time for this chance so we were so ecstatic when Asher finally came to our lives. Albeit difficult, it’s a mom’s nature that she will do everything for her child. I gave up my career so that I can personally take care, guard and breastfeed Asher. Until now that he’s already 15 months old, I firmly believe that my breast milk is the best gift I can give him..to let him feel how important he is to me. And I’ll strive to breastfeed for as long as I can and for as long as he’s willing.
Note: Taken on Asher’s 4th month ~ July 2008
Gadget: Canon Powershot S3 IS.
Baby . LP . Photo Prompts . Quotes . Snapshots