LP: Misyon.
Posted by admin on June 7th, 2009 | 0 comments
Ipagpaumanhin niyo po ang aking nahuhuling lahok. Naniniwala akong ito ang misyon ng aking buhay. Ang maging magulang..ang maging isang ina. Matagal naming hinintay mag-asawa ang pagkakataon na ito kaya’t sobra-sobrang galak na lang namin nang dumating sa buhay namin si Asher. Bagama’t mahirap, likas sa isang ina na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa ikabubuti ng kanyang anak. Isinakrapisyo ko ang aking trabaho para personal kong maalagaan, mabantayan at masinsinang ma-breastfeed si Asher. Hanggang ngayon na siya ay 15 months old na, naniniwala akong ito ang pinakamainam na maibabahagi ko sa aking anak para maramdaman niya kung gano siya kahalaga sa akin. At kakayanin kong ipagpatuloy hangga’t kaya ko at gusto ni Asher.
~Author Unknown
My apologies for my late entry. I believe that this is my mission..to be a parent..to be a Mom. My husband and I fervently waited for a long time for this chance so we were so ecstatic when Asher finally came to our lives. Albeit difficult, it’s a mom’s nature that she will do everything for her child. I gave up my career so that I can personally take care, guard and breastfeed Asher. Until now that he’s already 15 months old, I firmly believe that my breast milk is the best gift I can give him..to let him feel how important he is to me. And I’ll strive to breastfeed for as long as I can and for as long as he’s willing.
Note: Taken on Asher’s 4th month ~ July 2008
Gadget: Canon Powershot S3 IS.
Related posts:
- Storyteller and Best Actor. I think, my son will make a great storyteller someday....
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
















